Seniorito And Seniorita

Metro Manila Barkada:16
 
HomePortalFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog inGallery

Share | 
 

 rewind ~~> an article from my blog mejo mahaba sya eh ehehe enjoy reading

Go down 
AuthorMessage
jenn

avatar

Posts : 54
Join date : 2008-09-30
Age : 32
Location : sa ilalim ng tulay

PostSubject: rewind ~~> an article from my blog mejo mahaba sya eh ehehe enjoy reading   Wed Oct 29, 2008 10:07 pm

after 2 years i saw you.. Sad Sad Sad

i never knew na bagay pla sayo ang mejo mataba. dati kc inaasar ka nilang palito...sobrang payat mo kc.Infairness gwapo ka pla pag naka polo shirt. dati kc palaging jersey suot mo maitim ka pa nga nun eh palagi ka kasing nagbabasketball kahit mainit sa court.hindi ko napansin pag clean cut ang gupit mo para kang yuppie na taga makati ...ay sorry nakalimutan ko ganun ka na nga din pla ngaun isa ka ng professional na nagwowork sa makati suot ang iyong magarang polo at pantalong ilang beses pa atang pinsadahan ng plantsa ng katulong nyo.Grabe wala akong masabe sobrang ibang iba ka na.Pati pag kilos mo iba na din...parang ingat na ingat syempre hindi ka na pedeng umasta na tulad nung dati...dati...mga 2 years ago naaalala mo pa ba?

2 years ago

wla kang paki alam kahit amoy pawis ka.( well, i dont mind kahit amoy araw ka pa kikiss pa din kita) matyaga kong pupunasan ang likod mo gamit ang panyong binabad ko pa sa downy.pupulbusan ng baon kong baby powder dahil gusto ko presko ang pakiramdam mo pag ininom mo ang daladala kong mineral water na binili ko pa sa labasan (habang ang mga kasama mo ay ice tubig lang ang iniinom hehe )gusto kitang alagaan.sa kahit maliit na paraan na alam ko gusto kita maging maayos.kahit inaasar na nga ako ng mga kuya ko dahil patpatin daw ang boyfriend ko sinasabi ko sa kanila na malusog ka naman dahil alaga yata kita. ako ang iyong private nurse kahit nung mga panahong tayo pa ang alam ko pa lang gawin ay kumuha ng temperature hihi. alam ko mahal kita ang problema nga lang ay hindi kita maipagmalaki sa mga kbarkada at kaklase ko dahil kakaiba ang itshura mo dati payat ka pa nun, madusing, mukang laging pawis at mejo maitim ka pa nun kakaiba sa mga naging boyfriend ko dati na maayos at palaging naka porma alam ko mali ngunit sa kabilang banda pag tayo na lng ang magkasama bumabawi naman ako at hindi nagkukulang sa mga responsibilidad ko bilang isang girlfriend mo katunayan ako pa nga ang nag organize ng 1st birthday ng pamangkin mo diba?ako ang naghahanda ng ibabaon mo sa work mo, ako ang taga paalala sau na inumin mo yung siningit ko na vitamins sa bulsa ng maong mo pag may problema ka ako lagi ang apektado kc ang problema mo ay problema ko din. Sa kabilang banda wala naman akong reklamo sau bilang isang boyfriend ko sa totoo lang sobra sobra na ang binibigay mo saken na sinusuklian ko ng sobrang liit minsan...hindi ko yon gusto nadadala lang ako ng pang aasar ng mga tao sa paligid ko hindi mo din ako masisisi kase bata pa din ako nung naging tayo wala pa akong sariling pag iisip. madaling mawindang ika nga nila dati un 2 years ago

ngaun tapos na ako mag aral,isa na akong nurse. totoong nurse na nakaputi at marunong magligtas ng buhay ng ta o. hindi na puro pagkuha ng temperature ang alam ko...marunong na din ako mag BP (haha)nakuha ko na ang pinakaaasam kong lisensya.nag tatrabaho na ko kagaya ng plano natin nuon at ngaun,unti unti ko ng tinutupad ang mga pangarap natin. ok na ok na diba?ikaw maganda na ang posisyon mo sa pinagtatrabahuhan mo, sir na nga ang tawag nila sau diba?at higit sa lahat! marunong na akong mag desisyon para sa sarili ko!natutuwa ako kase finally!mapaninindigan na din kita!ok na tau!sa wakas!

ngaun hindi ko na din kailangan na magpasundo sayo isang kanto bago ang pinapasukan ko...walang sinabi kahit ang pinaka poging doctor pag itinabi sau. Hindi ko na kailangan magpahatid sa labas ng gate namen dahil kayang kaya na kitang ipagtanggol sa mga kuya kong mapangasar papapasukin pa kita at hindi na pauuwiin (hehe) hindi na natin kailangan umiwas sa mga kabarkada ko dahil susme baka sila pa ang maunang mag swoon pag nakita nila na ikaw ang kasama ko kaya lang may bigla akong naalala...

wala na nga pla ang singsing na dati ay nakasuot sa aking daliri. kasabay ng pagpatak ng luha na matulin kong naikubli ay paghawak sa braso mo ng isang magandang binibini...
Back to top Go down
View user profile
dok buang

avatar

Posts : 1
Join date : 2008-10-06
Location : s puso ng mahal q

PostSubject: Re: rewind ~~> an article from my blog mejo mahaba sya eh ehehe enjoy reading   Mon Nov 03, 2008 5:35 pm

nice, nkkmove study Sad
Back to top Go down
View user profile
 
rewind ~~> an article from my blog mejo mahaba sya eh ehehe enjoy reading
Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» LChris & Dyebat's posts on their blog, 6 December 2010
» IMPORTANT NEW BLOG ENTRY BY DYEBAT!!!
» New Entry on Citroenlady's Blog
» Fun and games in the admin log (blog entry for 04/04/11)
» Important New Blog Entry by lChris and Dyebat!

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Seniorito And Seniorita :: Emote Yun-
Jump to: